Offline

November 16, 2018
Kris Aquino
Kris Aquino

Offline pansamantala sa Instagram (IG) si Kris Aquino para iwas stress sa mga nagku-comment sa 44 counts of theft na isinampa niya sa sinasabing nagnakaw ng pera niya.

Magpapalakas din si Kris dahil mula November 19, sunud-sunod na uli at marami siyang trabaho.

Bago mag-offline, may nilinaw lang si Kris na once lang niya uli nakita ang kinasuhan at hindi twice gaya ng sinabi ni Atty. Jesus Falcis.

Nu’ng September 18, lang daw sila nagkita at noong Sept. 19, wala siya sa bahay, kaya ang staff niyang sina Alvin at Rochelle lang ang nakausap ng lawyer. Hindi pa rin niya nakita, nakausap at wala silang any form of communication sa nasabing lawyer.

Sa IG lang offline si Kris, kaya sa Facebook at Twitter niya sinagot ang FB post ni Lawrence Tan na “akala mo ang daming ninakaw sa kanya gusto lang palang mapansin. Nasaan na checkbook ko para tumahimik siya.”

“Sometimes people need a dose of TRUTH. A P662.14**** KCAP credit card charge jeopardized and could have voided my contract worth P18,447,058,83 (total gross amount with 12% VAT). Coming from someone who worked closely with the revered Abby Jimenez -- have you forgotten how strict endorsement contracts are? Just to refresh your memory, they come with a list of competitors that the endorser isn’t allowed to be seen patronizing. If the check is ready, we can have it picked up.

“P.S. KCAP is a sole proprietorship. So KCAP=Kris Aquino.”