Online auditions para sa The Clash Season 3, extended

July 03, 2020

EXTENDED ang online auditions para sa third season ng all-original singing competition ng GMA Network na ‘The Clash.’

Sa lahat ng mga hindi pa nakakapag-audition, ipadala lamang ang inyong audition piece sa official website ng GMA Network o sa official Facebook Messenger ng The Clash.

Ang audition ay bukas sa lahat ng Pinoy, 16 years old and above, male o female, amateur o professional.

Bisitahin lamang ang official website ng GMA-7 para sa iba pang mechanics.