Opisyal!

November 15, 2018
Kim Chiu & Xian Lim

Relasyon kay Xian, inamin ni Kim.

Finally ay umamin na si Kim Chiu na may relasyon nga sila ni Xian Lim. Actually, open secret naman ito sa showbiz noon pa at ang kulang na lang talaga ay opisyal na pag-amin ng dalawa.

Naganap ang pag-amin ni Kim sa Tonight With Boy Abunda na umere last Wednesday night.         Tinanong siya ng host na si Boy Abunda kung bakit nahihirapan sila ni Xian na tanggapin na “sila.” 

“Grabe, Tito Boy,” ang unang reaksyon ni Kim saka humalakhak.

Follow-up ni Kuya Boy, never pa raw kasing sinasabi ni Kim na “kami (ni Xian)” at sagot ng aktres, “alam naman na, oo naman, alam na naman ng mga tao.”

Para malinaw, inulit ni Kuya Boy ang tanong, “Are you officially together? What’s the answer?”

Nagbiro muna si Kim pero sumagot din in the end na, “Oo naman, oo naman, yes, oo, Tito Boy.” 

Pinuna ni Kuya Boy na si Xian daw marahil ang one of the most misunderstood in the business at sagot naman ni Kim, “Yes, oo. Pero kasi, kung magpapakita siya ng sweetness, du’n, matutunaw ka na talaga kasi iba siya talaga mag-surprise, mag-express.” 

Nang matanong kung “is he the one?” ani Kim, “Ay grabe! Hindi ko pa alam, Tito Boy. Wala pa ’yung isip ko sa ganu’n.” 

Kim is 28 now. Sabi nga ni Kuya Boy, at her age, may pagmumuni-muni na rin siya marahil ng tungkol sa marriage.

Pero ayon sa aktres, wala pa raw talaga sa isip niya iyon ngayon.

Tinanong siya ulit ng King of Talk kung halimbawang may pakakasalan siya ngayon, si Xian ba ito at ulit na naman ni Kim, “Wala pa nga sa isip ko Tito Boy ang kasal talaga.”

Dagdag pa ng aktres, hindi rin nila ito pinag-uusapan   ni Xian dahil alam niyang wala pa rin ito sa isip ng boyfriend.

“Mayroon kaming priorities, marami pa kaming gustong mangyari sa buhay and bata pa naman. Ngayon naman, ang mga career woman, 30 plus na nila iniisip. ’Pag nag-30 na sila, doon na sila maghahanap,” she said.