Home>Entertainment>Showbiz>Osang pumirma na sa Viva

Osang pumirma na sa Viva

Rosanna Roces and Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar cast

NAKATAKDANG lumagda ng management contract with Viva Artists Agency (VAA) this week ang dating sex goddess ng Philippine Cinema-turned serious and award-winning actress na si Rosanna Roces, isa sa mga bituin ng upcoming Vivamax’ initial offering, ang sex-comedy digi movie na “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” na pinagsasamahan nila nina Alma Moreno, Ara Mina at Maui Taylor. Ito’y mula sa panulat at direksiyon ng batang director na si Daryl Yap of “Jowable” fame.

Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar

Kilala si Osang (Rosanna’s nickname) sa pagiging straightforward regardless kung ano ang magiging repercussion ng kanyang mga sasabihin. She also had a share of controversies magmula nang siya’y pumasok sa showbiz nung dekada nubenta.

Tulad ng ibang celebrities, isang bukas na aklat ang buhay ni Osang who was once married to a non-showbiz guy na si Tito Molina. Si Osang ay may dalawang grown-up children (from past relationships) na sina Grace at Onyok Adriano. It was not long ago when Osang got reunited with her son na si Onyok kung kanino siya nagkaroon ng matinding tampo.

Osang has long been in a relationship with Blessy Arrias since 2016.

Ang 48-year-old former sex siren ay sumikat nang husto sa bakuran ng Seiko Films where she was under contract from 1994 to 1992. Ang una niyang screen name ay Ana Maceda na pagkaraan ay pinalitan ng Seiko film producer na si Robbie Tan to Rosanna Roces.

Bukod sa pagpapa-seksi noon, unti-unting nahubog ang husay ni Osang sa pag-arte na kanyang pinatyunayan sa pelikula “Ligaya ang Itawag Mo Sa Akin” na dinirek Carlitos Siguion-Reyna under Reyna Films. Nariyan din ang “Babae sa Bintana” na na pinagsamahan nila nina Richard Gomez, John Estrada at Mon Confiado mula sa direksiyon ni Chito Rono.

Osang received her first Best Actress award mula sa Gawad Urian nung 2001 para sa pelikulang “La Vida Rosa” kung saan niya naka-tie si Assunta de Rossi para sa pelikulang “Hubog”.

Naging bahagi rin noon si Osang sa long-running showbiz-talk show ng GMA, ang “Startalk” kung saan niya pinalitan si Dawn Zulueta. Pero nagkaroon sila ng problema ng kanyang dating manager at kasamahan sa programa na si Manay Lolit Solis.

Si Osang ay nagkaroon din ng sitcom noon with Vic Sotto sa “1 for 3” kasama si Charlene Gonzaga and another weekly sitcom na “Daboy en da Girl” with the late Rudy Fernandez.

Ngayong nasa bakuran na si Osang with Viva, asahan ang muli niyang pagiging visible sa kanyang showbiz career.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger