Out of context

December 22, 2018

Nawala ang kaba ng shippers nina 2018 Miss Universe Catriona Gray at Clint Bondad nang i-follow uli nina Catriona at Clint ang isa’t isa.

Lalo pang natuwa ang fans ng dalawa sa sagot ni Clint sa “unfollow” issue.

Tinanong si Clint kung nasaan na ang recent post niya at sagot nito, “I took them down. They were taken out of context.”

May nagtanong kay Clint kung “okay lang po ba kayo ni Catriona? Ba’t in-unfollow ka niya sa instagram?

“I also accidentally unfollowed her once. We click each other’s account dozens of times a day. Finger literally just slips sometimes. Everyone can just calm down,” sagot ni Clint na ikinatuwa ng fans nila ng GF.

Samantala, nag-guest si Clint sa Unang Hirit last Friday at gusto agad malaman ng tao kung magiging  Kapuso na siya.

Hindi ba pwedeng nag-guest lang?

Saka, nag-guest na rin si Clint sa Dear Uge kasama si Jennylyn Mercado bago pa nanalong Miss Universe si Catriona, kaya maling isipin na kaya siya kinuhang guest dahil Miss Universe ang GF niya.