Pa-birthday kay Zia, nalipat sa HK Disneyland

November 23, 2018

NATAWA si Marian Rivera sa komento ni Vice Ganda nang i-post ng GMA Primetime Queen ang birthday photo ng anak na si Zia kasama si Mickey Mouse sa kanyang Instagram account.

Inakala kasi ni Yan na ikinukumpara ni Vice ang sarili niya sa bata nu’ng bata pa siya.

“Naaalala ko kabataan ko. Ganyang ganyan ang hitsura ko noon e. Manipis ang kilay, malaki ang mata tapos maitim ang ilong. (si Mickey Mouse pala lol),” komento ni Vice.

Sa thread ng comments sa IG ni Yan,  bumuhos ang pagbati kay Zia mula sa ilang celebrities na gandang-ganda sa anak nila ni Dingdong Dantes, tulad nina Mariel Padilla, Jessy Mendiola, Kim Domingo, Sheena Halili, Chynna Ortaleza, Andi Manzano, Neri Miranda, Shyr Valdez at Katrina Halili.

Walang location ng picture pati na rin kay Dong kung sa Tokyo Disneyland nagdaos ng kaarawan si Zia na una niyang wish.

May balita kasi na merong outbreak ng isang sakit sa Japan ngayon kaya kumambyo ang mag-asawa at sa Hong Kong Disneyland sila pumunta.

As of writing, wala pang kumpirmasyon mula kina Dong at Yan kung sa Hong Kong nag-birthday si Zia.         

Basta ngayong tapos na ang kaarawan ng panganay, waiting na lang ang lahat sa gender reveal ng second baby nila.