Paandar!

December 11, 2018
Catriona Gray

Catriona, dumepensa sa national costume.

TUTOK ang buong bansa ngayon sa manok natin sa Miss Universe na si Catriona Gray.

Tanging siya na lang ang pag-asa nating makakuha ng major title sa international pageant para hindi tayo mabokya this year.

Natapos na ang parada ng national costume ng mga kandidata.

Ayon sa reports, nag-landing sa Vogue Thailand ang suot na costume ni Catriona.

Naku, ikaw ba naman ang magdala ng Luzon, Visayas at Mindanao, mapapansin ka nga, huh!

Dumipensa agad si Gray sa maaaring kritisismong matanggap sa suot. Ayon sa kanya, nagkonsulta sila sa mga historian bago lagyan ng representation ang Luzon, Visayas at Mindanao.

’Yun nga lang, sa suot niya, naalala namin ang ilang byukonera  na bading na karga-karga sa likuran nila ang mga paandar para makatawag ng pansin, huh!

Saka puwede ba, huwag magbigay ng false hopes ang mga kunu-kunong pageant analyst dahil hindi nagma-matter ang kanilang opinion sa taste ng mga judge.

Sinabi na nila ’yan sa mga sumunod na kandidata natin after manalo si Pia Wurtzbach bilang third Miss Universe natin, huh!