Pag-amin ni Arjo, plus pogi points

January 23, 2019
Alden Richards

... aktor, game makatrabaho si Alden.

Plus pogi points kay Arjo Atayde ang pag-amin sa presscon ng ’Tol na exclusively dating sila ni Maine Mendoza.

Nagalit man sa kanya ang ilang AlDub fans na naniniwala pa ring real ang loveteam nina Maine at Alden Richards, marami rin naman ang natuwa sa katapangan ni Arjo.

Wala itong pakialam kung more bashing ang kapalit ng pag-amin niya.

Hindi lang matandaan ni Arjo kung kailan nag-start ang “exclusively dating” status nilang dalawa.

Hindi rin niya sinagot kung totoong sinusundo niya sa Eat Bulaga si Maine.

Sa tanong kung payag siyang magtambal sila ni Maine na silang dalawa ang bida, ang sagot, personal ang sa kanila ni Maine at hindi showbiz.

Kung may dumating, magpapasalamat siya.

Sa tanong uli kung papayag siyang makatrabaho si Alden Richards, sagot niya, “I’m open to working with anyone. Wala akong pinipili. If the character fits the role, why not? I’ve been working my ass for seven years at nakakatulong ang makatrabaho ang different actors.”

Samantala, dream project ni Arjo ang comedy, kaya masaya siya na nasama sa cast ng ’Tol, madirehe ni Miko Livelo at makapagtrabaho sa Reality Entertainment.

Sa January 30 na ang showing comedy movie.