Pag-atras ni Dingdong sa pulitika, wise decision

February 10, 2019
Dingdong & Zia Dantes

Wise decision nga marahil na matatawag ang hindi pagtakbo ni Dingdong Dantes ngayong eleksyon dahil lahat ng free time niya ay nakalaan lang para sa kanyang pamilya, lalo pa nga’t malapit nang manganak ang misis na si Marian Rivera sa kanilang second baby.

Nakikita namin lately ang mga post ni Dingdong at talaga namang panay ang pamamasyal nilang mag-anak.

For sure, hindi nila iyon magagawa kung tumakbo siya dahil kailangan niyang mangampanya.

At least, kapag wala siyang taping ng Cain at Abel or ng Amazing Earth, may time pa siya sa family at sa iba pang gusto niyang gawin.

Samantala, hindi na nga bumibitaw ang mga manonood sa pagtutok sa Cain at Abel na pinagbibidahan nila ni Dennis Trillo.

Sunud-sunod na kasi ang mga rebelasyong nagaganap dito.

Kaya naman, mas excited na ang loyal viewers ng serye dahil magkakaalaman na kung sino ba talaga ang mas matibay sa karakter nilang dalawa bilang Daniel (Dingdong) at Elias (Dennis).

Abangan ang nalalapit na huling laban ng magkapatid kung mas mangibabaw ang galit  o ang pagmamahal sa isa’t isa.