Pagbati kay Catriona, swak sa promo ni Vice

December 17, 2018
Vice Ganda

Ang daming nag-like sa post ni Vice Ganda na photo ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na kanyang kinongratulayt sa Instagram (IG) at may caption na, “Pinoy Pride! Fantastic Ka, Catriona!”

Swak ang pagku-congratulate ni Vice kay Catriona sa pagpu-promote niya ng MMFF entry na Fantastica  na showing na sa December 25.

Patunay na maraming natuwa kay Vice ang 318,757 views and likes at ang 2,111 comments.

Hit din sa followers ni Vice ang video post niyang mala-manika ang make-up at kilos niya pati na ang caption na gumagalaw ang manika.

May 615,700 views na ang post niyang ito, malapit nang mag-1M.