Pagbubuntis ni Meghan Markle, guessing game

January 15, 2019
Prince Harry and Meghan Markle
Prince Harry and Meghan Markle

IT's a guessing game sa royal fans and watchers kung girl or boy ang magiging first baby ng Duke and Duchess of Sussex na  sina Prince Harry at Meghan Markle matapos i-announce ng Kensington Palace ang pagbubuntis ng dating American actress nung nakaraang October 15, 2018 bago ang kanilang official tour in Australia, Fiji, Tonga at New Zealand.

Kung si Prince Harry ang masusunod ay gusto niyang girl ang maging first baby nila ni Meghan. At naniniwala ang marami na baby girl nga  ito kung titingnan ang hugis ng tiyan at aura ng Duchess of Sussex.

Kapag baby girl ang isilang ni Meghan, ito ang magiging pangalawang babaeng  apo ni Prince Charles sa namayapang si Princess Diana of Wales.  Ang una ay si Princess Charlotte na second child naman ng Duke at Duchess of Cambridge na sina Prince William at Kate Middleton.  Si Prince William ay nakatatandang kapatid ni Prince Harry.  Bukod kay Princess Charlotte, ang mag-asawang Prince William at Kate ay may dalawa pang anak, sina Prince George at Prince Louis.

Ang ipinagbubuntis ngayon ni Meghan ay magiging apo sa tuhod ni Queen Elizabeth II, ina ni Prince Charles at grandmother ng magkapatid na Prince William at Prince Harry.