Pagdalo ni Nora sa kasal ni Lotlot, inaabangan

December 16, 2018
Lotlot de Leon  and Fadi El Soury
Lotlot de Leon and Fadi El Soury

Ngayong Lunes, December 17, ang beach wedding ni Lotlot de Leon at ng fiance niyang si Fadi El Soury sa isang resort sa Batangas na pangmamay-ari ng pamilya ni Pia Guanio. Kasama sa wedding entourage ang mga anak nina Lotlot at Ramon Christopher at ang anak pa niyang si Diego ang maghahatid sa kanya sa altar.

Darating ang biological family ni Lotlot from the States to witness her wedding, pero siyempre, ang aabangan pa rin ay kung dadalo ang inang si Nora Aunor sa kasal.

Basta ang sabi ni Lotlot, padadalhan niya ng invitation si Nora.

Bukas, lilipad sina Janine Gutierrez at mga kapatid pa-Los Angeles at ang amang si Ramon Christopher naman ang kanilang kasama.

Sa LA na rin magpa-Pasko ang mag-aama at bago mag-New Year ang kanilang balik.

Nagbiro si Janine na mas naramdaman nilang magkakapatid ang hirap  nang hiwalay ang mga magulang dahil kailangang balansehin nila ang kanilang oras.

Thankful lang sila na nagagawa nilang samahan sina Lotlot at Monching nang walang problema.

Saka, hindi malulungkot si Janine habang nasa LA siya dahil kasama nilang aalis si Rayver Cruz.

Nagpaalam si Rayver sa taping ng Asawa Ko, Karibal Ko para makasama si Janine at pamilya nito sa bakasyon.