Pagiging cameraman ni Alden sa Eat Bulaga, pinusuan ng netizens

July 08, 2020
Alden Richards
Alden Richards

WAGING-wagi sa puso ng netizens ang kumalat na behind-the-scenes photos ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards na sumubok maging cameraman sa episode ng Eat Bulaga last July 7.

Hindi ito nakaligtas sa avid viewers ng Eat Bulaga maging sa netizens na pinusuan agad ang cute na cute photos ni Alden. Napa-comment sila sa kagwapuhan ng aktor. 

Maging si Bossing Vic Sotto ay napansin si Alden. Komento nito, “Yung camera man natin, ang pogi, o.”

Samantala, balik-telebisyon ang ‘All-Out Sundays’ kung saan mapapanood si Alden at iba pang Kapuso stars simula ngayong Linggo sa GMA.