Pagiging celebrity ni Patricia nakatulong sa asawa

September 25, 2019

HINDI nagkamali ng desisyon ang American chiropractor doctor-husband  ng singer-actress-beauty queen na si Patricia Javier na si Doc Rob Walcher sa kanyang naging desisyon na mag-relocate sa Pilipinas nung 2015. Booming ang kanyang chiropractic clinics sa bansa with already three branches in Quezon City, Makati and Alabang, ang Doc Rob’s Chiropractic Wellness Clinic.

Inamin ni Doc Rob na nung umpisa ay long vacation sa Pilipinas lamang ang plano nilang gawin ni Patrica with their two sons na sina Robert at James.

“When we arrived here,  my wife and I were very active (and still is) with our wellness missions and this lead us to entertaining some people  in the house and slowly there was already a queue outside the house, so we decided to put up our first clinic in Quezon City,” kuwento ng artistahin  at matipunong husband ni Patricia.

Aminado si Doc Rob na malaking tulong ang pagiging celebrity ng wife niya kung bakit nakilala agad ang Doc Rob’s Chiropractic Wellness Clinic.

“My wife also helps me with the business  operation and marketing side of the clinic,” pahayag ni Doc Rob.

Samantala, kung nung 1998 ay hindi pinalad na manalo si Patricia nang siya’y sumali sa Bb. Pilipinas beauty pageant, siya naman ang tinanghal na Mrs. Universe Philippines nung isang taon. Pero hindi na umano siya magku-compete sa Mrs. Universe pageant in China sa darating na Christmas season dahil naka-schedule na ang trip nilang mag-anak sa Amerika where they regularly spend Christmas and New Year vacation with Doc Rob’s family in the US.

Instead , she was handpicked as Philippines’ representative sa kauna-unahang Noble Queen of the Universe na gaganapin sa Centennial Hall ng Manila Hotel on December 1, 2019.

“At least 'yung schedule walang conflict sa Christmas vacation namin sa US,” natutuwang pahayag ng singer-actress and successful entrepreneur.