Pagiging ladies' man ni Aga, nawala dahil kay Charlene

June 06, 2019

ANO na kaya ang nangyari sa reunion movie nina Aga Muhlach at Alice Dixson sa bakuran ng Viva Films na kinunan pa sa Greenland,  ang “Nuuk” at dinirek ng award-winning screenplay writer at director na si Veronica Velasco?  Ang Nuuk ay capital city ng Greenland.

Ang alam namin, 2018 pa natapos ang pelikula nina Aga at Alice pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naipapalabas.

Sina Aga at Alice ay unang nagtambal sa pelikulang “Hot Summer” in 1989 na sinundan ng “Joey Boy Munti: 15 Anyos Ka Sa Muntinlupa” in 1991 at “Sinungaling Mong Puso” in 1992 kung saan nakasama nila ang Star for All Seasons-turned politician na si Vilma Santos, Gabby Concepcion at Aiko Melendez.  Ito’y mula sa direksiyon ng yumaong director na si Maryo J. de los Reyes at panulat nina Joey Javier Reyes at ang yumao na ring si Jake Tordesillas.

Hinintay ang 26 na taon bago muling nagsama sa pelikula sina Aga at Alice. Bago rito, napanood sila sa magkahiwalay na pelikula, si Aga sa “Seven Sundays” in 2017 at “First Love” in 2018 at si Alice sa “Ghost Bride” na ipi-nabas nung 2017.

Speaking of Aga, last May 28 ay nag-celebrate sila ng kanyang wife na si Charlene Gonzales-Muhlach ng kanilang ika-18th wedding anniversary.

It was 18 years ago nang magpalitan sina Aga at Charlene ng “I do’s” sa St. Joseph The Worker Church in Baguio City na dinaluhan ng mga kilalang personalities tulad ng ABS-CBN chairman at dating president na sina Gabby Lopez at Freddie Garcia, Sen. Loren Legarda, Regal matriarch Mother Lily Monteverde, ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez, ang yumaong supervising producer at talent manager na si Douglas Quijano at maraming iba pa.

Charlene was already three months pregnant nang sila’y ikasal ni Aga at nung November 5, 2001 ay isinilang ang twins ng mag-asawa na sina Andres at Atasha Muhlach who are both turning 18 sa darating na November 5.

Sobra ang pagiging ladies’ man noon ng award-winning actor at dating matinee idol na si Aga pero naging one-woman man ito magmula nang ito’y ikasal kay Charlene.

Bukod sa kambal na anak nina Aga at Charlne na sina Andres at Atasha Muhlach, si Aga ay may isang anak (sa pagkabinata) sa aktres na si Janice de Belen na si Luigi `Igi Boy’ Muhlach, isang chef na may asawa na, si Patty at apat na anak making Aga and Janice young  grandparents.

Samantala, looking forward pa rin si Aga sa reunion movie nila  with good friend Lea Salonga na dalawang beses niyang nakasama sa hit movies na “Bakit Labis Kitang Mahal” in 1992 under OctoArts Films na dinirek ni Joey Javier Reyes at ang “Sana Maulit Muli” in 1995 under Star Cinema na dinirek naman ni Olivia Lamasan na siyang lady boss ngayon sa  Star Cinema.