Pagiging matulungin ni Angel nalagay sa forbes magazine

December 04, 2019
Angel Locsin

UMABOT sa Forbes Magazine – Asia ang pagiging matululungin ng Kapamilya actress na si Angel Locsin sa panahon ng mga kalamidad kaya ito napabilang sa listahan ng bagong `Heroes of Philanthropy’ na kinabibilangan ng 30 mga kilalang personalidad sa buong Asya were include Hans Sy of SM Group of Companies at iba’t ibang business tycoons ng iba’t ibang bansa including Jack Ma ng China.

Ang mapabilang sa listahan ng mga prominenteng personalties ng iba’t ibang bansa ay isa nang malaking karangalan para sa future wife ng businessman na si Neil Arce.

Nito lamang nakaraang Oktubre ay hindi nagkait ng tulong si Angel sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao. Ginawa rin niya ito sa mga biktima ng giyera sa Marawi.  Hindi rin siya dumalo sa ABS-CBN Annual Ball last September at sa halip ay direkta siyang ang-donate sa pondo ng Bantay Bata sa halip na ito’y ibili niya ng mamahaling gown na isusuot sana sa ball.  Ipina-auction din ni Angel ang kanyang mamahaling vintage car para lamang makatulong sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda.  Ito’y ilan lamang sa napakarami nang charity works na ginawa ng aktres.  At walang nag-oobliga sa kanya kundi kusa niya itong ginagawa.

May isa rin kaming namayapang kasamahan sa pagsusulat ang tinulungan niya ng mahigit P200,000 para sa burol at libing nito considering na hindi naman siya super close ang nasabing entertainment writer.

Ang maganda pa kay Angel, hindi niya ito ipinagsasabi kundi ang ibang tao na ang nagbabalita sa mga  charity works na ginagawa nito.

Bibihira ang katulad ni Angel na hindi nagkakait ng tulong sa kanyang kapwa to think na hindi naman ito kasing yaman ng iba pang mga kilalang personalidad pero tila walang puso at passion sa pagtulong sa kapwa.