Pagkakasakit ni Sylvia, iniyakan ni Rhea

May 22, 2020
Sylvia Sanchez

... all-natural products, ni-launch ng Beautederm

DALAWANG milestone ang ipinagdiriwang ng Beautéderm Corporation sa pagri-renew nito kay Sylvia Sanchez bilang isa sa top celebrity brand ambassadors at paglo-launch ng bagong line of all-natural products.

Si Sylvia, bilang unang ambassador ng Beautéderm on a national scale, ang The Face Of Beautéderm – isang titulo na para sa kanya talaga dahil patuloy niyang kinakatawan ang brand na pinagkakatiwalaan dahil sa pagiging epektibo ng mga produkto nito.

Mahalaga ang renewal na ito dahil nagwagi si Sylvia at ang mister niyang si Art Atayde sa kanilang laban sa Covid-19.

“It was a dark moment in my life,” sabi ng aktres. “Pero may nakita akong liwanag sa end ng tunnel. I know that great things are in store for me at may misyon pa ako sa buhay.”

Ayon sa Beautéderm President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan, “Para ko na siyang ate. Umiyak ako nu’ng nag-positive sila ni Kuya Art and I, along with the entire Beautéderm family, are overjoyed they survived. Ideal brand ambassador si Ate Sylvia as she does her responsibilities with all her heart.”

Dagdag pa ni Sylvia, hindi lang business ang relasyon niya sa Beautéderm.

“Proud ako sa pag-endorse nito with my fellow ambassadors. Buo kami bilang pamilya. Rei Rei’s good heart and generosity inspire me dahil ang dami niyang tinutulungan lalo na ngayon.”

Upang sagutin ang demand ng natural beauty movement na nagde-define ng multi-billion beauty industry, inilunsad ng Beautéderm ang Beauté L’ Tous, Beauté L’ Cheveux, at Beauté L’ Elixir Skin Set.

Lahat ito ay pawang FDA Notified, gaya ng ibang mga produkto ng Beautéderm.

“Isang taon kaming nagtrabaho sa pag-develop ng aming new products. We use only the most powerful ingredients to produce quality results exceeding the effectiveness of synthetic mainstream products,” sabi ni Rhea.

Ang Beauté L’ Tous ay isang natural whitening hand and body lotion habang a natural hair oil naman ang Beauté L’ Cheveux na nagte-tame ng unruly tresses without the weight of synthetic silicone.

Ang Beauté L’ Elixir ay isang all-natural skin set with acne buster properties made with nature’s best ingredients, consists of a refining toner, sunblock primer, at night fix créme na perfect para sa lahat ng skin types, mainam para sa adults at tweens at ligtas para sa pregnant and lactating mothers.

“Sa edad kong ito, ‘di na ako masyadong nagme-make-up at perfect ang Beauté L’ Elixir para sa akin. Gusto ko rin ang berry scent ng Beauté L’ Tous, at ‘di ko na kailangan mag-blower sa Beauté L’ Cheveux. I’m mindful of the products I use and this all-natural line is helping me with the healthy living I’m now advocating,” paliwanag ni Sylvia, na bahagi ngayon ng online talk show na Pamilya Kuwentuhan kasama ang cast ng Pamilya Ko.

Ito ay napapanood tuwing 5 p.m., Lunes, Miyerkules at Biyernes sa digital paltforms ng ABS-CBN.

Maituturing na game changer ang manufacturing process ng mga produkto sa all-natural line.

“Gamit namin ang most powerful at effective natural ingredients. We respect their integrity through Cold Process Manufacturing that preserves their potency,” sabi ni Rhea.

Para sa karagdagang impormasyon at updates tungkol kay Sylvia at sa all-natural products ng Beautéderm, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm Corporation sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.