Home>Entertainment>Showbiz>Pagkalat ng mga pekeng litrato nina Sue at Maris kinokondena

Pagkalat ng mga pekeng litrato nina Sue at Maris kinokondena

Sue Ramirez and Maris Racal

NAGING usap-usapan ang pagkalat ng mga deep fake photos ng ilang kilalang aktres, kabilang na rito sina Sue Ramirez at Maris Racal. Bukod pa ito sa hindi magandang tsismis tungkol kay Sue (na agad namang sinaklolohan ng kanyang boyfriend na si Javi Benitez). Kaya naman, kaagad nagpadala ng mensahe ang corporate communications department ng ABS-CBN upang kondenahin ang ganitong gawain.

Narito ang kanilang pahayag:

Nakarating sa amin ang mga malisyoso at edited na litrato ng aming mga Kapamilyang sina Sue Ramirez at Maris Racal na kumakalat online.

“Kinukundena ng ABS-CBN at Star Magic ang iligal na pagmamanipula ng mga litrato ng mga artista at kahit na sino dahil ito ay isang uri ng gender-based online sexual harassment sa ilalim ng RA 11313 o The Safe Spaces Act.

“Nakikiusap kami sa lahat na itigil na ang pagkakalat ng mga pekeng litratong ito sa social media. Ang kapakanan ng aming talents ang pinakamahalaga sa amin, kaya naman hindi kami magdadalawang-isip na gumamit ng ligal na aksyon laban sa mga gumawa nito at sa kahit sinong magpo-post, mamamahagi, o kokopya ng mga litratong ito.

“Dapat ay tinatrato ang lahat nang may dignidad at respeto, kahit na sa social media.”

Jose may message sa anak na si Benj at sa bagong misis na si Lovely

Ganap na ngang Mrs. Manalo ang Bubble Gang star na si Lovely Abella matapos ikasal sa actor-comedian na si Benj Manalo sa isang garden-themed wedding sa Quezon City.

Sa Instagram post ng aktres ay kitang-kita na naging intimate ang ceremony, at habang ikinakasal ang dalawa ay marami ang naluha. Naroon ang kaibigan ni Lovely na si Kathryn Bernardo (na nakasama niya sa pelikulang ‘Hello, Love, Goodbye’) na siyang nagregalo ng kanyang wedding gown. Bumuhos naman ang mga pagbati sa comments section niya. Ilan sa well-wishers ang kapwa Kapuso stars ni Lovely na sina Marian Rivera, Carla Abellana, Iza Calzado, Barbie Forteza, Rodjun Cruz, Rita Daniela, at mga kasama sa Bubble Gang na sina Kim Domingo, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, at Arny Ross.

Samantala, sa mediacon ng bagong game show na Catch Me Out, nagbigay ng mensahe ang ama ni Benj na si Jose Manalo. Aniya, busog sa pangaral ang anak niyang si Benj (na Don Ben ang tawag niya) at bago nga ang pagpapakasal nito ay tumawag sa kanya para humingi ng basbas. “Alam na niya ang pinasok niya at paulit-ulit ko namang sinabi sa kanya,” ayon kay Jose. “Mas importante sa pagsasama na ikaw ang nagsisilbi, hindi ikaw ang pinagsisilbihan.”

Parehong may anak sa mga naunang relasyon sina Benj at Lovely.

Tungkol naman kay Lovely, ayon kay Jose ay “totoong tao” ito. Nakasama na niya si Lovely sa ilang project, at natutuwa siya na ngayon ay anak na rin niya ito.

Samantala, patuloy ring napapanood si Lovely sa ‘Ladies Room’ segment ng GMA Entertainment comedy channel na YouLOL.

All-Out Sundays pasabog ang performances

SA kabila ng pagsasanib na ginawa ng katapat na programa, tinutukan ang hit weekend musical comedy variety show ng GMA Network na ‘All-Out Sundays’ nitong Linggo (January 24). Kahit pa nga “isa laban sa lahat” ang peg ng AOS matapos magsanib-puwersa ang mga katapat nito, nanatili itong winner sa ratings.

Tampok sa episode ang mga pasabog na OPM performance at all-out entertainment mula sa brightest and biggest Kapuso stars na pinangunahan nina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Mark Bautista, Paolo Contis, at Gabbi Garcia.

Marami rin ang nakapansin sa ganda ng performance ng Kapuso heartthrob na si Rayver Cruz sa All-Out stage. Anang isang Twitter user, “Akala ko noon Rayver was only a good dancer. Magaling rin pala syang kumanta. I only got to see it when he moved to GMA.”

Siguradong marami pang world-class na performance ang dapat abangan sa AOS ngayong Linggo.

GMA Affordabox isang milyong units na ang nabenta

GMA Affordabox
GMA Affordabox

PATOK na patok na ang digital TV receiver na GMA Affordabox dahil isang milyong units nito ang nabenta sa loob ng pitong buwan.

Available ang GMA Affordabox sa halagang P888 lang at walang monthly fees na kailangang bayaran.

Maganda ang feedback na tinatanggap nito mula sa netizens at online shoppers. Kasabay rin ng pagdami ng mga Pinoy na may GMA Affordabox, patuloy rin ang paglawak ng digital broadcast coverage nito sa bansa. Kamakailan lang ay dumagdag na ang Misamis Oriental (kabilang ang Cagayan de Oro City) at Camiguin sa coverage areas nito.

Mabibili ang GMA Affordabox sa appliance stores, mall, at online via the official GMA Store o sa Shopee at Lazada. Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang www.GMAaffordabox.com at ang official social media accounts nito via @GMAAffordabox. Maaari ring tumawag sa (02) 8857-4627 o 0961-252-9393 mula 8AM hanggang 10PM, o mag-e-mail sa @GMAaffordabox.com.

Centerstage may makabagong virtual set sa pagbabalik

Centerstage
Centerstage

DALAWANG linggo na lang at mapapanood na muli ang pasiklaban ng aspiring Bida Kids sa singing competition ng GMA Network na ‘.’

Nabitin daw ang mga manonoood nang matigil ang show last year dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa pagbabalik nito, sinasabing bibida ang makabago nitong virtual set. Para sa kaligtasan kasi ng mga contestant at production team, wala pa ring live audience at ishu-shoot ang kanilang performances sa kani-kanilang mga bahay.

Mapapanood ang pagbabalik ng ‘Centerstage’ sa GMA-7 ngayong Pebrero 7.

Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal