Pagkalibing sa ina, balik-trabaho si Boy

December 05, 2019
Boy Abunda and Nanay Lising
Boy Abunda and Nanay Lising

BY the time this column  comes out ay nasa Borongan City, Eastern Samar na ang King of Talk na si Boy Abunda, his elder sister, ang Eastern Samar representative na si Maria Fe Abunda and the entire family for the additional wake and inurnment ng kanilang namayapang ina na si Licerna Romerica-Abunda or Nanay Lising (90) na sumakabilang-buhay nung nakaraang December 1 nang madaling araw sa St. Luke’s Medical Center – Global.

After a couple of days in Borongan ay agad babalik ng Maynila si Boy upang ipagpatuloy ang taping ng kanyang apat na programa sa telebisyon, ang “Tonight with Boy Abunda, “ “Bottomline,” “Inside Cinema” on Cable at bilang isa sa mga hurado ng “Your Moment”.

Si Boy na yata ang one of the busiest if not the busiest among the TV personalities in the country today.

Samantala, hindi rin ikinakaila ni Boy na nami-miss umano niya ang “The Buzz” showbiz talk show na sinimulan nila ni Kris Aquino in 1999 at nagtapos sa ere nung 2015 at marami umano ang humihiling na ito’y ibalik. But it is not up to Boy to decide kundi ang top management ng ABS-CBN lamang ang puwedeng mag-desisyon kung puwedeng ibalik ang no. 1 showbiz oriented talk show.

Still on Boy, hindi nito ikinakaila na plano nitong magtayo ng School for the Arts balang araw at kung kakayanin ng kanyang schedule ay gusto niyang bumalik sa pagtuturo.

Boy who is Eugenio Abunda, Jr. is a self-made man.