Pagkawala sa 'ASAP' 'di dinamdam ni Zsa Zsa

November 27, 2018
Zsa Zsa Padilla
Zsa Zsa Padilla

ISA nga ba ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa mga casualty sa bagong reformat na “ASAP” considering na isa siya sa pioneers ng longest-running Sunday musical show ng ABS-CBN?  

Pero sa halip na mag-dwell si Zsa Zsa sa negativity, gusto nitong mag-focus sa masasayang pangyayari ngayon sa kanyang buhay sa piling ng kanyang fiancé na si Architect Conrad Onglao.  Excited si Zsa Zsa sa completion ng Casa Esperanza, ang kanilang ipinatayong farmhouse somewhere in Quezon.   Ang Esperanza ay hango sa tunay na pangalan ni Zsa Zsa.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung kelan matutuloy ang pagpapakasal nina Zsa Zsa at Conrad na balak sana nila noong  mangyari sa Florence, Italy.

Annulled na ang kasal ni Zsa Zsa sa kanyang ex-husband na si Dr. Modesto Tatlonghari, ama ng singer-actress na si Karylle. Hindi naman kasal si Zsa Zsa sa kanyang longtime partner, ang namayapang comedy king na si Dolphy kung kanino siya may  dalawang anak, sina Nicole at Zia.   Matagal na ring divorced at annulled si Conrad sa kanyang ex-wife, ang interior designer na si Ivy Almario.  Ang dating mag-asawa ay may dalawang anak na parehong lalaki.

Sandaling naghiwalay sina Zsa Zsa at Conrad pero muli silang nagkabalikan.