Pagpapakamatay ng Razorback drummer, wala pang official statement

January 17, 2019

NAGLULUKSA ang music industry maging ang fans and supporters ng 90s Pinoy hard rock band  na Razorback dahil sa pagpanaw ng kanilang 41-year-old drummer na si Brian Velasco.  Si Brian ay lumundag sa condominium building in Malate, Manila kung saan siya nakatira.  Bago ang pag-jump off ni Brian sa kanyang kamatayan ay nakapagpaalam pa ito sa kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng group chat bago ito nag-Facebook Live para i-document ang ginawa.

Wala pang ibinibigay na official statement ang pamilya ni Brian maging ang mga kasamahan sa Razorback band na sina Tirso Ripoll, Manuel Legarda at Louie Talan na nabigla rin sa ginawa ng drummer ng grupo.

Depression ang itinuturong dahilan ng pagpapatiwakal ni Brian nung 9:45 a.m. ng Miyerkules, January 16.

Si Brian ay nagtapos ng pag-aaral sa De la Salle College of Saint Benilde at tumayong pangulo ng Hebigat Sounds. Bukod sa musika, isa rin umano itong animal lover.