Pagpapakasal nina Jolo at Angelica kinumpirma ni Sen. Bong

June 30, 2019
Jolo Revilla & Angelica Alita

ISA pa sa napapabalitang engaged na ay ang actor-politician na si Jolo Revilla sa former beauty queen na si Angelica Alita na mukhang mahiyain nang ito’y ipakilala sa mga kaibigang entertainment media sa thanksgiving party ng ama ng una na si Sen. Bong Revilla na ginanap sa Frabelle Corporate Plaza in Makati City recently.

Most of the time ay magka-holding-hands sina Jolo at Angelica habang nag-iikot sa mga dumalong kaibigan in and out of showbiz.

Kitang-kita namin ang pagiging in-love  ni Jolo sa kanyang soon-to-be-wife na si Angelica.

Although hindi kinumpirma sa amin ni Jolo ang plano nilang pagpapakasal nila ni Angelica sa Amerika sa darating na December, ito’y kinumpirma mismo ng kanyang amang si Sen. Bong Revilla nang ito’y umupo sa aming table pero hindi siya nagbigay ng ibang detalye na may kinalaman sa kasal ng kanilang ikalawang son ng wife niyang si Lani Mercado.