Pagpasok ni Richard sa ‘AP’ sa cable na mapapanood

July 05, 2020
Richard Gutierrez

MARAMING loyal supporters ng ABS-CBN ang patuloy na umaasa na hindi ipagkakait ng Kongreso ang panibagong franchise renewal ng Kapamilya network.

Bukod kasi sa news, information at public service, marami sa mga ito ay nagi-enjoy sa iba’t ibang programa ng network at kasama na rito  ang most popular and  long-running action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Under the new normal situation, nagpatuloy na ang production at taping ng nasabing serye at kasama na rito ang pagpasok ng mga bagong character at kasama na rito si Richard Gutierrez.

Ang nakakalungkot ay hindi napapanood ngayon ang “FPJ’s Ang Probinsyano” at iba pang programa ng ABS-CBN sa free broadcast kundi sa ilang cable network dahil sa pagpapasara sa major TV network ng National Telecommunications Commission (NTC).