Home>Entertainment>Showbiz>Pagsilip sa ‘Eat Bulaga,’ inamin ni Vhong

Pagsilip sa ‘Eat Bulaga,’ inamin ni Vhong

Ngayon higit na na-realize ni Vhong Navarro ang kahalagahan ng trabaho.

Aniya sa isang digital media conference para sa pagbabalik ng It’s Showtime, sa isang iglap ay pwede palang mawala ang matagal mo nang hanapbuhay.

“Dito kasi, sa nangyaring pandemic na ito, ’yung trabahong matagal na para sa ’yo, para palang isang saglit, pwedeng mawala kahit napakatagal ka na ro’n. Kasi nga, wala siyang pinili, eh, sa pandemic na nangyari.

“Ang kumpanya, pwedeng magsara, pwedeng mawala, pwedeng malugi. At may tatamaan at may tatamaan.

“Ngayon, mas maa-appreciate mo siya, dapat pahalagahan mo siya kasi wala, eh. Walang pinili, parang kahit sino, pwede ngang tamaan.

“So, ang akin lang, dapat mahalin talaga natin ang trabaho natin,” sey ni Vhong.

Dahil nga nagbalik na rin sa ere ang katapat nilang Eat Bulaga, napag-usapan din ang kumpetisyon at ayon kay Vhong, wala talaga ito sa isip nila ngayon.

“Sa ngayon, wala talagang kumpetisyon, kasi ngayon ang gusto ng lahat, eh, magpasaya. Nakikita ko ang Eat Bulaga, actually, nasilip ko sila nu’ng isang araw, tina-try talaga nilang magpasaya kahit kulang-kulang sila.

“At ganu’n din ang Showtime. Kahit kulang kami, hindi pa talaga full force, eh, magpapasaya pa rin kami ng tao. Kumbaga, tulung-tulong ang Eat Bulaga at ang Showtime na magpasaya ng tao dahil alam na kailangang-kailangan nilang makalimot pansamantala sa kanilang mga problema at magbigay ng mga papremyo para makatulong sa mga nawalan ng trabaho,” ani Vhong.

Muling mapapanood ang live airing ng show bukas, Sabado, sa Sky Cable Channel 8 sa SD at Channel 167 sa HD, Cable Link Channel 8, iWant at G-Sat Channel 2.

Publication Source :    People's Tonight