Pagtanggal ng life support, itinanggi ng pamilya

June 14, 2019

HANGGANG sa mga oras na ito ay wala pa ring pagbabago sa kalagayan ng movie icon na si Eddie Garcia na nananatili pa ring in coma sa ICU ng Makati Medical Center magmula nang ito’y ilipat sa nasabing hospital early Sunday morning galing sa Mary Johnston Hospital in Tondo  matapos ang  aksidenteng pagbagsak sa pavement last Saturday morning sa taping ng kanyang ginagawang bagong action-drama TV series sa bakuran ng GMA, ang “Rosang Agimat” na pinagbibidahan ng young star na si Gabbi Garcia mula sa direksiyon ni Toto Natividad.

Nananatili umanong buhay ang award-winning actor-director dahil sa life support na nakakabit sa kanya.

May mga nabalitang nag-iisip na ang pamilya na tanggalin na ang naturang life support pero pinabulaanan ito ng doktor ni Eddie.

Buhos pa rin ang dasal ng mga taong nagmamahal at sumusuporta kay Eddie na itinuturing na hindi lamang movie icon kundi isa sa pinakamabait at pinaka-professional na actor who have been in the industry for seven decades.

He started his showbiz career in 1949 sa pamamagitan ng kanyang unang pelikula, ang “Siete Infantes de Lara”.