Pagwo-walk out ni Morisette sa concert, pinag-uusapan

November 08, 2019
Morisette Amon
Morisette Amon

PINAG-UUSAPAN ng netizens ang ginawang pagwo-walkout diumano ng singer na si Morisette Amon sa birthday ng baguhang singer na si Kiel Alo sa Music Museum noong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa producer ng show na si Jobert Sucaldito, maayos naman ang lahat bago ang show. In fact, maaga roon si Morisette kasama ang manager na si David Gosico. Pero bago dumating ang number nito, nagkaroon ng problema. Diumano'y sumama ang pakiramdam ni Morisette at hindi na raw nito kayang mag-perform. And to save faces, pinakiusapan na lamang ni Jobert na humarap ito sa mga tao at humingi ng apology. Sa halip, ang manager nito ang nagsalita sa microphone para sabihing hindi na nga makapagpi-perform ang kanyang alaga.

Pero hindi na nga nagpakita si Morisette at may mga nakakita na mabilis na itong umalis.

Pagkatapos ng show, inamin ni Jobert na may nangyari nga bago ang insidente. Dumating pala doon ang TV reporter na si Mario Dumaual at in-interview si Morisette. In fairness to Mario, ayon kay Jobert, aayos ang lahat at nagtatawanan pa ang dalawa. Ang hindi alam ng marami, na-slight diumano ang singer sa tanong ni Mario tungkol sa lovelife nito. It's all around social media na nagkaroon ng hindi pagkakaunwaan si Morisette at ang ama nito na dinaan pa sa kanilang Instagram accounts. Diumano, hindi pabor ang ama nito sa relasyon ng anak sa current boyfriend nito.

Medyo sensitive ang issue para sa singer at nang wala na ang nag-interview sa kanya, nagsimula raw itong magpakita ng tantrums. At dahil dito, diumano'y sumama ang pakiramdam.

Gayunman, hindi nagustuhan ng ilang manonood ang nangyari. Galit na galit ang dating aktres at show producer ding si Daisy Romualdez na tulad ni Morisette ay isang Cebuana. Hindi raw ito ito propesyonal.

Sa ngayon ay iba-iba ang opinyon sa nangyari. Galit pa rin ang talent manager at producer na si Jobert, pero wala pa ring linaw kung ano talaga ang nangyari kay Morisette. Ayon sa manager nito, nagpapadala raw ito sa ospital. May tsismis naman na hindi sa ospital ito nagpunta kundi sa birthday party ni Moira. So there.