Pakikipag-sanig ng local franchise sa Miss Universe, nagbabadya ng pagbabago

May 06, 2019
Bea Patricia Magtanong

SA kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon na ng collaboration sa pagitan ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) na pinamumunuan ni Gng. Stella Marquez-Araneta at ang bagong tatag na  Miss Universe Philippines na nasa ilalim ng umbrella ng Miss Universe Organization (with head office in New York City, USA). Kaya tiyak na magkakaroon na ng ilang changes and enhancements pagdating sa pre-pageant at sa coronation night itself.

Ang ika-56 edition ng Bb. Pilipinas ay nakatakdang ganapin sa Araneta Coliseum sa darating na June 9, 2019 kung saan isa sa 40 candidates ay ang bagong pasa ng bar exams na si Bea Patricia Magtanong ng Bataan--beauty and brains combined.

Out of the 40 candidates, karamihan sa mga ito ay repeaters sa Bb. Pilipinas  at crossover mula sa ibang beauty pageants tulad ng Miss World Philipines, Miss Earth Philippines, Mutya ng Pilipinas at iba pa.

Sa ikalawang pagkakataon sa Bb. Pilipinas ay muling kasama ang ex-PBB housemate at kasintahan ng actor na si Jason Abalos na si Vickie Marie Rushton who landed 1st runner-up sa Bb. Pilipinas nung nakaraang taon, 2018 at kinoronahang Mutya ng Pilipinas-International nung 2011.  Repeater din si Lara Grace Lacap na pumasok sa Top 15 sa Bb. Pilipinas nun 2017 at naging 2nd runner-up ng Mutya ng Pilipinas nung 2012.

Si Emma Mary Tiglao ay second timer din sa Bb. Pilipinas pageant.  Sumali nung 2014 at pumasok siya sa Top 15.  Nanalo rin siyang 4th Princess sa Miss World Philippines nung 2015 at 1st runner-up ng Mutya ng Pilipinas in 2012.

Ang isa pang kandidata na si Ilene Astrid de Vera ay nanalong Mutya ng Pilipinas – Asia Pacific International in 2017 and in the same year ay siya rin ang kinoronahang Miss Asia Pacific International.

Second timer sa Bb. Pilipinas si Maria Andrea Abesamis na pumasok sa Top 15 sa 2018 Bb. Pilipinas pageant.

Si Denielle Joie Magno ay sumali na sa 2017 Miss ASEAN Friendship at sa 2018 Miss World Philippines kung saan siya pumasok sa Top 10.  Si Samantha Mae Bernardo ay second timer din sa Bb. Pilipinas.  She was 2nd runner-up sa Bb. Pilipinas in 2018 at pumasok din siya sa Top 13 sa Miss World Philippines in 2013.  Si Marie Sherry Anne Tormes ay pangalawang beses din sa Bb. Pilipinas.  Pasok siya sa Top 25 nung isang taon at sumali rin siya sa Miss Earth pageant in 2017 habang si Joanna Rose Tolledo sumali na rin sa dalawang magkaibigan beauty pageant, ang Miss Earth Philippines in 2016 kung saan siya pumasok sa Top 12 at Top 10 naman siya sa Mutya ng Pilipinas.

Ang 2019 Bb. Pilipinas pageant ay kukuha ng anim na winners, dalawang major titles (Bb. Pilipinas- Universe and Bb. Pilipinas-International) at apat na minor titles, ang Bb. Pilipinas-Supranational, Bb. Pilipinas-Intercontinental, Bb. Pilipinas-Globe and Bb. Pilipinas-Grand International.  Ang mga ito ay labas pa sa special awards tulad ng Miss Ever Bilena na si Vickie Marie Milagrosa Rushton ng Negros Occidental, Miss Ever Bilena Advance na si Emma Mary Tiglao ng Pampanga, Miss Beachwear na si Samantha Mae Bernardo ng Palawan at Miss Careline na si Jessica Marasigan ng Malabon.

Ang iba pang special award winners ay hindi pa naia-announce tulad ng Best in National Costume, Reader’s Choice, Best in Talent, Miss Friendship, Face of Binibini (Miss Photogenic), Binibining PAL, Best in Swimsuit, Best in Long Gown at Miss Creamsilk.

Ang mananalong 2019 Bb. Pilipinas-Universe ay kokoronahan ng dating Bb. Pilipinas-Universe at 2018 Miss Universe na si Catriona Gray habang ang Bb. Pilipinas-International ay puputungan din ng korona ng 2018 Bb. Pilipinas-International at 2018 Miss International  na si Ahtisa Manalo.

Ang mapipiling  2019  Bb. Pilipinas Supranational