Pamilya ni Matteo 'di pwedeng matahin

February 27, 2020

PERA umano ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang galit ng parents ng pop superstar na si Sarah Geronimo na sina Delfin at Divine Geronimo sa sikretong pagpapapakasal  ng kanilang anak sa triathlete singer-actor at entrepreneur na si Matteo Guidicelli.

Kung sa ibang magulang, magiging masaya umano sila for Sarah dahil nakatagpo ito ng lalaking nagmamahal sa kanya nang husto, edukado, mabait, marespeto  at galing sa isang buena familia sa Cebu City.

Hindi puwedeng mata-matahin ni Mommy Divine si Matteo dahil nagmula ito sa may sinasabing pamilya sa Cebu at apo ng dating chief justice at senador na si Renato Fernan ng Cebu.  Nag-aral sa International School in Cebu at Brent School at nag-college sa Columbia College in Chicago, isang kilalang car racer at triathlete bago pa man ito pumasok ng showbiz.  Bukod sa negosyo ng kanyang pamilya, may sarili ring negosyo si Matteo at kaya nitong suportahan at mabigyan ng magandang buhay si Sarah.