Pamilya ni Pip, na-miss ang ingay ni TJ nu’ng Pasko’t Bagong Taon

January 12, 2019
TJ Cruz, Bodie Cruz, Tirso Cruz, Djanin Cruz and Lyn.

MASAKIT na masakit pa rin kay Tirso Cruz III ang pagkawala ng panganay na anak na si TJ Cruz.

Dumalo si Pip sa welcome lunch nina Mother Lily Monteverde at Marichu (Manay Ichu) Maceda para kay senatorial candidate Bong Revilla bilang long-time friend na rin siya ng aktor/politiko at nakapanayam namin siya sandali.

Naging emosyonal siya nang matanong kung kumusta na siya at ang kanyang pamilya ngayon.

“Coping daily. It’s a big blow for us, sa family namin. But coping kami everyday by the strength that is given to us by the Lord. It’s painful, everyday, we still shed tears, kami ng asawa ko. At I guess, in due time, we will just...

“Sabi nga nila, ‘death in the family is something that never heals, you just learn to live with it.’ But to heal, it is like asking for the impossible, especially kung kagaya nu’n, nawala sa ‘yo, seed mo. It’s hard.”

Ang nakaraang holidays season ang unang Pasko’t Bagong Taon na hindi na nila kapiling si TJ.

Ani Pip, naging napakatahimik ng celebration nila.

“It was one of the most, if not the most -- I would like to use the word, peaceful na lang -- it was the most peaceful Christmas and New Year that we had for the first time.

“Sa dining table namin, apat lang kami, and wala ‘yung dating maingay, kasi siya (TJ) ‘yung nagpu-provide ng music dati, eh. Isi-set-up niya ‘yung mga speaker namin sa bahay, patugtog siya.

“That Christmas, wala, kami lang, nakaupo lang kaming apat. Kain, then, I think si Bodie, ‘yung anak ko, ‘halika, Pa, manood na lang tayo ng movie while waiting for 12 midnight.’

“Nanood lang kami ng movie. The much-valued Birdbox, ‘yun ang pinanood namin,” natatawang naiiyak na sabi ni Pip.

Alam naman daw niyang TJ is in a better place right now.

“Sabi ko nga, mabuti pa siya. No more pain, no more tears, no more problem, and he’s in the best position ever,” he said.

Matatandaang sumakabilang-buhay si TJ last Nov. 21, 2018 dahil sa cancer.