Pancho explains why he has to display hunky physique

PANCHO Magno displays his hunky physique in several scenes in “Dahil sa Pag-ibig”, GMA Afternoon Prime’s new daring drama that is now making waves. He plays Gary, an artist who is so in love with Sanya Lopez as Mariel, but Sanya spurns him and instead chooses to marry Benjamin Alves as Eldon.

“Maganda 'yung role ko,” says Pancho. “I felt so crushed after Sanya dumps me pero nagawa kong makabangon at bumawi. Nakilala ang artworks ko here and abroad and they are worth millions kaya yumaman ako. Si Sanya naman, nagkaproblema sa asawa niya nang mabilanggo sa Saudi at kailangan ng pera para mapalaya ito. So I make her an offer that’s difficult to refuse. I will give her her husband’s blood money, but bilang kapalit, kailangan kong maangkin ang katawan niyang ipinagkait niya sa akin before. Parang indecent proposal.”

He has love scenes with Sanya. How does his wifey, Max Collins, feel about it? “Okay lang, kasi hindi naman niya pinapanood, e. Ako rin naman, I prefer not to watch her delicate scenes, although sa ‘Bihag’, I saw her scenes with Jason Abalos at kissing lang naman. Mild compared sa ginawa namin dito sa ‘Dahil sa Pag-ibig’. But I’m happy for my wife kasi she also has a good role in ‘Bihag’ at sobrang focused siya sa role niya, which is really very intense. I help her sometimes. Nagto-throw lines kami para mas ma-improve ang delivery niya. Kasi kung minsan, may accent pa, e.”

They’re both busy now. When do they intend to have a baby? “As of now, chill muna. Mas inuuna naming magkaroon kami ng sariling bahay, para pagdating ng baby, we have settled down na talaga in our own house.”

So how is it working with Sanya in “Dahil sa Pag-ibig”? “It’s our second time together kasi nagkasama na rin kami before sa ‘Haplos’. But iba itong ‘Dahil sa Pag-ibig’ dahil mas malalim ang conflict ng story and ng roles namin. What I feel for her here borders on obsession. Kasi sobrang love ko pa rin siya kahit alam kong may asawa na siya’t anak. Sa ‘Haplos’ naman, wala kaming intimate scenes kasi may pagka-fantasya yun, e. May love scenes din ako with Kelly Day, who plays my girlfriend, si Allison. She’s a newcomer pero magaling siya. Siyempre, magagalit siya when she discovers I still have feelings for Sanya kahit kami na.”

Doesn’t he mind showing off his bare torso on screen all the time? “Okay lang. Basta kailangan naman sa scene. May scene na umahon ako sa swimming pool, alangan namang naka-shirt ako roon. Also, sa bedscenes, lagi akong walang shirt, topless. As an artist and sculptor, may scene din ako doing my art pieces na nakahubad ako. Okay lang, kasi pinaghihirapan ko naman itong katawan ko sa kawo-work out sa gym everyday. I’d like to thank our director, Ricky Davao, who’s my ninong sa binyag, for helping me out. Sinasabi niya kung kulang o sobra ang mga ginagawa ko sa eksena. He’s also an actor so he’s full of useful suggestions on how to be more effective in our performance. Actor’s director talaga siya.”