Home>Entertainment>Showbiz>Pancho nagagamit ang pagiging nurse sa mag-ina

Pancho nagagamit ang pagiging nurse sa mag-ina

Pancho Magno
Pancho Magno

AMINADO ang nurse-turned-actor na si Pancho Magno na very hands-on sila ng asawang si Max Collins sa pag-aalaga sa baby boy nilang si Skye Anakin (na kinuha sa pangalan ni Anakin Skywalker sa Star Wars movie). Nakatutok si Max sa pagbe-breastfeed kay Skye habang si Pancho naman nag-aasikaso sa mga pangangailangan nito. Kaya naman nagagamit ni Pancho ang pagiging nurse sa mag-ina.

“Lagi siyang nakadikit. Sobrang Mama’s boy, e. Pero kapag ako nagpapaligo, nagpapalit ng diaper, tina-try ko kung ano man ‘yung magagawa ko, except sa breastmilk,” dagdag pa niya. {Maybe he can try that, too? Just kidding.)

Samantala, handa na si Pancho sa pagbabalik trabaho sa pamamagitan ng bagong TV series na ‘I Can See You.’ Makakasama niya rito sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at versatile Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith.

Sa isang panayam, naikuwento ni Pancho na doble ang paghahanda niya sa kanyang pagbabalik-trabaho sa ilalim ng new normal. “Nandu’n ‘yung hindi mo alam kung anong mangyayari. Nakakatakot but nag-swab testing kami and I do take my vitamins everyday rin naman. Nag-e-exercise, siyempre, kailangan maging healthy, lalo na ngayon may baby na sobrang healthy.”

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal