Home>Entertainment>Showbiz>Paolo and Wally nagbibigay-suwerte

Paolo and Wally nagbibigay-suwerte

MABIBIGYAN ng suwerte ang mga nawalan ng raket sa panahon ng pandemic ng Ghorl Twins na sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros sa kanilang ‘Bawal na Game Show.’

Noong Martes, kakaibang saya at pamimigay ng ayuda ang naganap sa naturang show sa mga nawalan ng raket ngayong pandemya tulad ng mga parlorista.

Natatangi ang kwento ng mga parlorista na nawalan ng pagkakakitaan. Ang isa sa kanila ay pamilyado at napaalis pa sa tinitirahang bahay.

Samantala, dahil wala ring live events at mga gig sa nakalipas na mga buwan, apektado rin ang raket ng celebrity look-alike artists at band vocalists. Sila ang tampok na mga kalahok na naglaro para sa papremyong hanggang P100,000 upang makatulong sa pinagdadaanang hirap dulot ng kawalan ng trabaho noong Setyembre 10. Samantala, ngayong gabi, September 12, ay tampok naman ang mga band vocalist.

Bawat linggo, apat na kalahok ang dadaan sa iba’t-ibang pagsubok sa “Bawal Ma-Fall,” “Bawal ang Da Moves,” “Bawal ang Sablay,” “Bawal ang Sumuko” at “Bawal na Roleta.” May pagkakataong sumali ang mga manunuod bilang home partners kung saan ay maaari silang pumili ng kanilang paboritong “pasaway” at manalo ng instant cash prize.

Publication Source :    People's Tonight
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal