Home>Entertainment>Showbiz>Paolo at Wally: Nakatutuwa na, nakatutulong pa

Paolo at Wally: Nakatutuwa na, nakatutulong pa

NATUTUWA sina Paolo Ballesteros and Wally Bayola dahil sa gitna ng pandemic nakakatulong sila sa kapwa. Ito ay sa pamamagitan ng kanilang Bawal na Game Show sa TV5.

Unti-unti nang lumalakas ang show dahil sa hatak nina Wally at Paolo. Fully loaded na ang commercial gaps nito dahil bilib ang mga advertiser sa format ng programa.

Bukod sa nakatutulong, nakaaliw din ang Ghorl Twins na sina Wally at Paolo bilang hosts. Tunghayan ang mga bagong pasaway na gagawin ang lahat upang malampasan ang “Bawal Ma-Fall,” “Bawal ang Da Moves,” “Bawal ang Sablay,” “Bawal ang Sumuko” at “Bawal na Roleta” para mapanalunan ang P100,000. May pagkakataong sumali ang televiewers bilang home partners at manalo ng instant cash prizes. Mapapanood ang “Bawal na Game Show” tuwing Martes at Huwebes 7:30 p.m. at tuwing Sabado, 7 p.m. sa TV5.

Publication Source :    People's Tonight
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal