Paolo Contis at anak na si Summer, nakaka-good vibes

June 30, 2020
Paolo Contis

MARAMI na naman ang inaliw ng latest Instagram post ni Paolo Contis featuring ang anak na si Summer. Ayon sa caption ng Kapuso actor, "Dahil #Lockdown Day103 na today, mag #Acting103 tayo! Natutuwa ako kay Summer dahil very professional na talaga!! Wala pang action, ready na agad!"

Mapapanood din sa YouTube channel ni Paolo ang masayang bonding ng kanilang pamilya noong Father’s Day. Sa kanyang video, ipinasilip ni Paolo kung paano sila nag-celebrate nina LJ, Aki at Summer. Dahil may COVID-19 pandemic at kasalukuyang naka-GCQ ang Metro Manila, simple lang daw ang celebration nila this year. Mas importante umano na healthy at safe ang kanilang pamilya.

Mayroon ding kakaibang twist sa video na ito. Panoorin ang video ni Paolo sa kanyang YouTube channel para ma-gets ninyo.