Paolo Contis trending sa video streaming platform

July 15, 2020
Paolo Contis

MARAMING netizens ang napabilib ni Paolo Contis dahil sa husay niya sa  comedy film na ‘Pangarap Kong Holdap’ at sa romantic comedy na ‘Through Night and Day.’

Kahit nga ang broadcasters/hosts na sina Arnold Clavio at Ali Sotto sa kanilang programang Doube A sa Double B, rave na rave sa husay ni Paolo. Hindi raw nila napigilang mapaiyak sa ilang eksena.

Kaya naman hindi nakakapagtakang nangunguna ngayon sa video streaming platform na Netflix at pinag-uusapan sa social media ang dalawang pelikula ni Paolo.

Masaya si Paolo na nabigyan ng pagkakataon ang maraming viewers na mapanood ang mga pelikula habang nasa bahay at naka-quarantine. Patunay din daw ito na kayang makipagsabayan ng local films sa foreign films and series na mapapanood sa Netflix.