Paolo, maga ang mata at barado ang ilong kaiiyak sa Valentine's Day

February 14, 2019
Paolo Ballesteros

NAMAGA ang mata at nagbara ang ilong ni Paolo Ballesteros kaiiyak. Walang sinabing dahilan si Pao pero nang may bumati sa kanya ng Happy Valentine’s Day sa post niyang pic sa Instagram, ang tanging sagot niya ay,

“HOPIA na po.”

Sa photo sa IG,  may pa-bulaklak ang sister niya.

Ayon sa caption ng Eat Bulaga Dabarkads,  ayaw sana niyang i-post ang regalo, pero ginawa niya pa rin para malaman ng followers niya na suwerte pa rin siya at may ate na nagmamahal sa kanya.

“’Di na kailangan pa ng salita or explanation, pero gets n’yo na na I love you too, kahit na matutulog ako ngayong barado ang ilong ko sa kakahagulgol! Happy Valentine’s Day sa lahat!” bahagi ng caption ni Paolo.

Ang boyfriend ni Paolo ay si Kenneth Concepcion. Kahit wala pang kumpirmasyon mula sa kanya, bumuhos naman ang netizens na nagsabing mahal siya ng mga ito at deserving siya ng someone better.