Paolo, peg ni Alex sa pagpapakalbo

November 13, 2018
Paolo Contis & Alessandra de Rossi

Ikinagulat ng lahat ang “new look” ni Alessandra de Rossi nang dumalo siya sa red-carpet premiere night ng pelikula nila ni Paolo Contis na Through Night & Day last Monday night sa SM Megamall.

Nagpakalbo ang aktres at halos hindi nga sila nagkakalayo ng buhok ni Paolo.

Feeling nga namin ay peg niya ang leading man sa bagong hairstyle.

Pero in fairness, bagay pala kay Alex ang kalbo at mas naging elegante pa siyang tingnan.

Nang mapanood namin ang Through Night & Day, doon lang namin na-realize ang dahilan ng pagpapakalbo ni Alex.

Pero ayaw na muna naming i-reveal at kailangang panoorin n’yo ang pelikula to find out.

Basta ang masasabi namin, saludo kami kay Alex sa ginawa niyang ito.

Anyway, gusto naming batiin ang dalawang bida ng pelikula, pati na ang direktor na si Veronica Velasco, sa napakagandang pelikulang inihatid nila sa manonood.

Napaka-touching ng movie at lumabas kami ng sinehan na namumugto ang mata.

Wala kaming masabi sa husay ni Paolo sa portrayal niya bilang Ben sa pelikula, sobrang ginalingan.

Of course, napakahusay din ni Alex sa kanyang pagganap bilang Jen pero ’yung crying scenes talaga ni Paolo ang nakapagpaiyak sa amin.

Let’s face it, iba naman kasi talaga ang dating kapag ang lalaki na ang umiiyak.

Medyo pabebe kasi ang karakter ni Alex sa movie kaya nairita kami sa kanya as Jen but this means na na-portray niya rin nang mahusay ang kanyang karakter.

Annoying talaga ang karakter niya, lalo na ang mga eksena nila ni Paolo sa Iceland pero may dahilan naman pala in the end.

And yes, isa sa mga maipagmamalaki ng movie ay ang mga eksena sa Iceland, ang mga breathtaking view, lalung-lalo na nga ang Aurora Borealiz na na-capture talaga nang bonggang-bongga.

Magsisimula nang ipalabas ang Through Night & Day ngayong Nov. 14.

Find out for yourself kung gaano kaganda ang movie at kung bakit pwedeng manalo si Paolo rito ng best actor award.