Paskong wala si TJ, iniyakan ni Pip

December 26, 2018
Tirso Cruz III

Nakakalungkot naman ang mga post ni Tirso Cruz III ngayong Kapaskuhan dahil first Christmas ito ng kanyang pamilya na wala na ang panganay na anak na si TJ Cruz.

As we all know, sumakabilang buhay ito noong nakaraang Nobyembre.

Larawan ng isang magulang na labis na nananabik sa anak na pumanaw ang laman ng mga recent post ni Pip at makikita mo talaga kung gaano kasakit para sa kanya ang pagkawala ni TJ.

Halos araw-araw tuwing umaga ay may post si Pip na binabati ang anak ng, “GODly heavenly morning” at pagkatapos ay ikinukuwento ang kanyang pinagdadaanang pain ngayong wala na ito na talaga namang nakakadurog ng puso.

Post niya noong Dec 24, “GODly heavenly morning TJ. You must be getting ready up there for the greatest and most grandiose celebration of your first Christmas in heaven. Are you going to dance for the Lord?

“I’m crying as my heart is aching because you won’t be here with us for Christmas Eve.

“But at the same time, I’m so happy for you my son. Have the most wonderful time celebrating Christmas Eve, with the birthday celebrator our Lord Jesus Christ. Please always keep us in your heart for you shall always be in ours. I miss you so much! I love you,” ang caption ni Pip sa larawan ni TJ.

May post din siya na ikinukuwento sa anak na umiyak na naman ang asawang si Lyn Ynchausti.

“GODly heavenly morning TJ. I woke up this morning & found your mama crying again. She’s thinking of how we’re going to spend our first Christmas without you. And the first of many more special events without you. I pray the Lord will see us through these. We love you TEEJ,” post ni Pip.