Patricia nananawagan sa isang taxi driver

November 02, 2019
Patricia Javier

NAKIKIUSAP ang singer-actress-beauty queen and entrepreneur na si Patricia Javier sa driver ng taxi na kanyang nasakyan last Thursday evening matapos siyang magpahatid sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan  dahil malakas ang ulan.  Bitbit ng singer-actress ang kanyang iPhone 11 na bigay ng kanyang American chiropractic doctor husband na si Doc Rob Walcher at nailapag niya ito sa upuan ng taxi.

Dahil sa pagmamadali niyang bumaba ng taxi ay nakalimutan niya ang kanyang iPhone.

Bukod sa mahal ang latest iPhone 11 ni Patricia, may sentimental value sa kanya ito dahil regalo ito ng kanyang mister.  Mahalaga rin ang mga contacts at naka-store na data sa mobile phone lalung-lalo na ang photos nila ng kanyang pamilya, lalo na ng dalawang anak.

Willing umano magbigay ng reward si Patricia sa taxi driver na magsasauli ng kanyang iPhone 11.