Patutsada ni Aiko sa mga baguhan: Be humble

January 05, 2019
Aiko Melendez

SINERMUNAN ni Aiko Melendez sa kanyang Facebook account ang mga baguhang artista upang ipaalala na habang sumisikat, eh, manatiling humble at huwag ipasok sa ulo ang kasikatan.

“Ang observation ko kasi sa mga baguhan now kapag madami followers sa Twitter or Instagram, ibig sabihin made ka na. Nope, ’no.

“Ang basis ng kasikatan ng artista is not only with one hit. Kaya nga may tinatawag na longevity, hanggang saan tatagal ang kinang at galing mo?

“’Yung iba kasi ginagamit din ang pagiging diva sa imaging. But for me, mas gugustuhin ko madinig sa katrabaho ko na, ‘Ay, si Aiko ang gaan kasama sa work at magaling na artista.

“Kesa madinig na ang bigat niya kasama. I am speaking based on the fact na 30 years na ako sa industry at modesty aside, wala pa akong naringgan na reklamo sa akin.

“Ayan, tularan sana ng mga baguhan ’yan. Be humble,” post ni Aiko.