Payo ni Jose kay Alden: Mag-asawa ka na!

January 05, 2019
Jose Manalo

Sa presscon ng Boy Tokwa, Lodi ng Gapo ay nahingan ang bidang si Jose Manalo ng birthday wish niya para sa ka-Dabarkads na si Alden Richards.

’Kaaliw ang sagot at payo ni Jose na mag-asawa na raw ang aktor.

“Brad, tanda mo na, mag-asawa ka na, brad, para nakakalaro mo na ang mga anak mo,” pahayag  ni Jose.

Biniro nga namin siya na anak agad, eh, wala pa ngang girlfriend ang aktor.

Pinayuhan din ni Jose si Alden na maghinay-hinay sa trabaho.

“Pahinga lang, brad, magpahinga ka muna nang kaunti, bigyan mo ng oras ang sarili mo. Hindi komo bata, hindi komo binata, sige nang sige.

“Darating ang time na mapapagod ka, baka mas lalo pang mahirapan ’yung trabaho mo.

“Konting ingat. Good boy naman ’yan, hindi ko na kailangang sabihing ‘magpakabait ka.’ God bless, Alden,” sabi ni Jose.

Showing na sa Jan. 8 ang Boy Tokwa, Lodi ng Gapo mula sa direksyon ni Tony Y. Reyes.