Peanut butter webisodes ni Alden, patok!

February 02, 2019

TUWANG-tuwa si Cookie Yatco ng Cookie’s Peanut Butter sa matagumpay na webisodes ng kanilang celebrity endorser na si Alden Richards kasama si Chef Amoncio kung saan nagluluto sila ng iba’t ibang healthy at easy-to-do na putahe gamit ang Cookie’s Peanut Butter bilang pangunahing sangkap.

“Game na game sina Alden at Chef Anton nu’ng nagshu-shooting kami ng aming webisodes,” kuwento ni Cookie.

“Ang sarap nilang katrabaho, lalo na si Alden. Very professional siya at sobrang gaan niyang kasama. Wala siyang kaere-ere. Kahit inabot kami ng madaling araw sa work, ang taas-taas pa rin ng energy niya at very accommodating siya sa mga kasamahan namin.”

Gawa sa mga natural na sangkap at walang kahit na anong preservatives, ang Cookie’s Peanut Butter ay isang produkto na gawa sa Biñan, Laguna, bayan ng lalaking nag-develop sa masarap nitong recipe, si Cookie.

Nag-umpisa ang Cookie’s Peanut Butter bilang isang homemade na produkto na pineprepara ni Joy Abalos-Yatco sa sarili niyang kusina bilang espesyal na regalo sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan, lalo na tuwing holidays.

Naging instant hit ang brand sa kanyang pamilya at mga kaibigan at dahil dito, nag-desisyon si Joy at ang kanyang mister na si Cookie na i-distribute ang produkto commercially upang maibahagi ito sa mainstream consumers at para na rin makapagbigay ng long-term na trabaho sa maraming tao.

Fourteen episodes ang ginawa nina Alden at Chef Anton at talagang super sarap ang recipes na kanilang inihanda sa mga manonood.

Nagluto sila ng iba’t ibang mga sandwich, mga panghimagas at siyempre, ang isa sa mga personal na paborito nina Alden at Cookie, ang Kare-Kare.

Para sa darating na Chinese New Year, may bagong episode sina Alden at Chef Anton kung saan gagawa sila ng milk tea at cookies gamit ang Cookie’s Peanut Butter.

Mapapanood ang webisodes ni Alden sa opisyal na Facebook page at YouTube channel ng Cookie’s Peanut Butter.

Sa ngayon, ang mga flagship product ng brand ay kinabibilangan ng Cookie’s Peanut Butter, Cookie’s Cashew Butter, at Cookie’s Peanut Butter Pangluto at pati na rin ng Mani Ni Cookie at Kasuy Ni Cookie.

Mabibili ang produkto sa mga grocery at supermarket sa buong bansa.