'Pedro Penduko,' iba na naman ang direktor

September 09, 2019

HINDI na si Treb Monteras ang magdidirek ng “Pedro Penduko” movie remake na pagbibidahan ni Matteo Guidicelli under Viva Films kundi si Jason Paul Laxamana na.  Makakasama sa movie sina Empoy Marquez at child star na si Alonzo Muhlach at sa buwan ng November na ito sisimulan.  Si Empoy ang gaganap sa normal na tao na magta-transform sa katauhan ni Matteo kapag siya’y may super power na.

Ang “Pedro Penduko” ay kuwento ng isang normal na tao na magkakaroon ng super power.  Ito’y nobelang likha ng National Artist for Literature na si Francisco V. Coching at nalathala noon sa Liwayway Magazine.

Bago si Matteo, ang Pedro Penduko character ay apat na beses nang nagampanan sa pelikula at isang beses sa telebisyon.  Ito’y unang ginampanan ni Efren Reyes, Sr. in 1954 na dinirek ni Gerry de Leon under Premiere Productions.  Ito’y sinundan ni Ramon Zamora in 1973, ang “Mahiwagang Daigdig ni Pedro Penduko”  na dinirek ni Celso Ad. Castillo.  Dalawang beses naman itong ginampanan ng singer-actor-comedian na si Janno Gibbs sa bakuran ng Viva Films, ang “Bagsik at Kamandag ni Pedro Penduko” na dinirek ni J. Erasthero `Baby’ Navoa in 1974 at ang “Pedro Penduko: Episode II (The Return of the Comeback)” in 2000.  

Ang TV version ng “Pedro Penduko” ay dalawang beses ginampanan ni Matt Evans bilang isang serye sa Kapamilya Network, ang “Komiks Presents:  Da Aventures of Pedro Penduko” in 2006 at ang “Komiks Presents: Pedro Penduko at ang mga Engkantao” in 2007.

Nineteen years later ay muli itong gagawing pelikula ng Viva Films.  The project was first offered to James Reid pero umatras ito sa nasabing proyekto and was offered to Matteo who readily agreed to do the project.  

Makakatulong naman nang malaki kay Matteo ang kanyang pagiging triathlete at isang buwang training ng isang scout ranger bilang army reservist as 2nd Lt. Matteo Guidicelli pagdating sa mga action and fight scenes.