Pelikula ni Anne malaki ang pag-asa

December 21, 2018
Anne Curtis

SI  Anne Curtis lamang ang nag-iisang female lead na nakagawa ng tatlong pelikula sa loob ng isang taon this year.  Nauna nang ipinalabas sa taong ito ang hit movie na “Sid & Aya (Not A Love Story)” na pinagtambalan nila ni Dingdong Dantes mula sa direksiyon ni Irene Villamor under Viva Films at kasunod dito ang action movie na “Buy Bust” na dinirek ni Erik Matti at joint production ng Viva Films at Reality Entertainment.  Her third and final movie this year ay ang Metro Manila Film Festival entry na “Aurora” na dinirek ng Filipino Hollywood director na si Yam Laranas.  Ito’y joint venture ng Viva Films at Aliud Entertainment.

Last Wednesday evening ay dalawang magkahiwalay na premiere night ang dinaluhan ni Anne and the rest of the cast ng horror-thriller movie na “Aurora” which was entirely shot in the typhoon-prone province of Batanes.  Ito’y ginanap sa Ayala Malls The 30th  in Ortigas na sinundan sa Cinema 1 ng SM Megamall (also in Ortigas), Pasig City.

Anne was accompanied by her husband, ang chef-entreprenerur na si Erwan Heussaff.  Dumalo rin ang ibang bumubuo ng cast tulad nina Marco Gumabao, Ricardo Cepeda, Mercedes Cabral, Arnold Reyes, Andrea del Rosario, Phoebe Villamor, ang director na si Yam Laranas with wife Gin de Mesa.  Naroon din ang mag-asawang Shintaro Valdez at Annette Gozon, ang actress-dancer-entrepreneur na si Regine Tolentino at iba pa.

Bukod sa “Otlum” ng writer-director na si Joven Tan, kakaibang horror-thriller movie ang “Aurora” ni Direk Yam Laranas na inspired sa lumubog na barko, ang over-capacity na Dona Paz nung December 20, 1987 kung saan mahigit apat na libo ang fatalities na mas marami sa mga ito ay hindi na na-recover pa.

Since gustung-gusto ng moviegoing public ang horror films during Christmas season, malamang na isa ang “Aurora” ang magpakita ng magandang performance sa takilya simula sa darating na Martes, December 25, araw ng Pasko.