Pelikula ni ate Guy, hirap bang makalusot sa MMFF 2019?

October 11, 2019
Nora Aunor

SANA makapasok sa Metro Manila Film Festival 2019 ang pelikula ni Nora Aunor.

Ito ang wish ng mga sumusuporta kay Ate Guy; lalo na ang producer ng "Isa Pang Bahaghari" na si Harlene Bautista. Napanood na namin ang trailer nito at talaga namang wala pa ring kupas ang nag-iisang Superstar.

Sa pelikula, isang paraphlegic ang karakter (Lumen) ni Ate Guy. Asawa siya dito ni Phillip Salvador (Dong), na umabando sa kanya. Pagkalipas ng ilang taon, muling nagbabalik si Dong para humingi ng kapatawaran at makipagbalikan sa asawa. Kaibigan nina Lumen at Dong ang bading na karakter ni Michael De Mesa. At dito iikot ang istorya ng pelikula.

Her confrontation with Philip as she shouts "Hayop, hayop" in La Aunor fashion is really one for the books. Dito pa lang, papalakpakan na ang aktres dahil natatangi talaga ang kanyang galing sa pag-arte. Pero nakakalungkot na 'di na siya nabibigyan ng maraming pelikula. Buti na lang at muli siyang nabigyan ng pagkakataon na ipakita ang kanyang acting sa pelikulang ito ni Direk Joel Lamangan. She may no longer have the box office charm, but her brilliance in acting still shines like a diamond.

Sana mapasama sa MMFF 2019 ang "Isa Pang Bahaghari" para muling makita si Ate Guy sa film festival na minsan niyang pinag-reynahan. Her last movie entry to the filmfest was Brillante Mendoza's "Thy Womb" in 2012. And that gave her 8th acting trophy in the said festival making her the winningest actress of the filmfest.

Kung makapasok ang pelikula ni Ate Guy sa darating na MMFF, susuportahan naman kaya siya ng kanyang fans sa sinehan? Just asking...

Disclaimer:

For reactions, call or text 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com