Pelikula ni Dennis, pinuri ni Coco

January 08, 2019
Dennis Trillo

Ang comment ni Coco Martin na “ganda ng movie n’yo Bro!!! Congrats...” sa trailer ng pelikulang Mina-Anud nina Dennis Trillo, Jerald Napoles at Matteo Guidicelli.

Ibig sabihin, pinanood ni Coco ang trailer ng movie na naka-post sa Instagram (IG) nina Dennis at Jerald.

Matatandaang hindi ito ang first time na nag-comment si Coco sa project ni Dennis dahil nag-comment at nag-like rin siya sa pinost na BTS ng Cain at Abel, ang action-drama series nina Dennis at Dingdong Dantes sa GMA-7.

Nagpahayag pa nga si Coco na sana ay magkasama sila ni Dennis sa isang project.

Produced ng Epic Media ang Mina-Anud na idi-distribute ng Regal Entertainment, hindi pa nga lang alam kung kailan ang showing dahil “Soon” pa lang ang nakalagay.

Ang Mina-Anud ay winner ng Singapore’s Southeast Asia Film Financing Forum 2017.

Dapat din sa promo ng movie, sabihin kung ano ang ibig sabihin ng Mina-Anud dahil hindi maintindihan ng mga hindi Bisaya.

Ang ibig kasing sabihin ng title ay may naanod at sa pelikula ni Kerwin Go, shabu ang naanod sa dagat.

Ang nabanggit na pelikula ay isa lang sa mga pelikulang gagawin ni Dennis this year dahil marami pa siyang naka-line-up.

Ginanahan yata ang aktor nang manalong best actor sa MMFF, kaya gagawa pa ng pelikula. Lalo na at binali na ang pangako dati na ’pag may teleserye siya, hindi siya gagawa ng pelikula.