Pelikula nina Anne at Marco kumikita

August 25, 2019
Anne Curtis and Marco

HINDI man nakalusot sa ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ang “Just A Stranger” movie na pinagtambalan nina Anne Curtis at Marco Gumabao mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana, hindi naman nagkamali ang Viva Films sa tiwalang ibinigay nila sa tambalan nina Anne at Marco na unang nagsama sa 2018 Metro Manila Film Festival  (MMFF) movie na “Aurora” na dinirek ni Yam Laranas under Viva Films.

Sa first three days ng “Just A Stranger” na nagbukas sa mga sinehan nationwide last August 21 ay agad itong kumita nang mahigit P30-M at patuloy na pinipilahan hanggang ngayon.

In a way, naging blessing in disguise na rin ang hindi pagpasok sa PPP ng pelikula nina Anne at Marco dahil mas pinilahan ito sa takilya sa labas ng festival.

Kung naka-tatlong pelikula si Anne nung isang taon, this year ay dalawa lamang ang kanyang magagawa at pangalawa na ang first team-up nila ni Vice Ganda sa 2019 Metro Manila Film Festival, ang “Momalland” na nakatakdang idirek ni Barry Gonzalez at joint production ng Star Cinema at Viva Films.  Makakasama rin sa nasabing pelikula sina Dimples Romana at Tony Labrusca among others.

Sexy-drama ang “Just A Stranger” na kinunan partly sa Portugal, comedy naman ang unang tambalan nila ni Vice Ganda, patunay kung gaano ka-versatile si Anne.