Pelikula nina Echo at Jessy maganda pero 'di kinagat

January 03, 2019
Jessy Mendiola & Jericho Rosales

WE'RE glad na palabas pa rin sa Citiwalk Mall in Eastwood City  ang “The Lady in the Orange Dress” na pinagbibidahan nina Jericho Rosales at Jessy Mendiola mula sa panulat at direksiyon ni Jay Abella at kung saan din kasama sina Ria Atayde, Hannah Ledesma, Sheena Halili at iba pa.  May special guest appearance naman in the movie sina Luis Manzano, Derek Ramsay, Jennylyn Mercado at Boy Abunda.

In fairness, nagandahan kami sa romance-comedy movie nina Echo at Jessy na first time nagkatambal sa pelikula.  Kakaiba ang kanyang kuwento at maganda ang pagkakalatag ng writer-director na si Jay Abello.  Ang ipinagtataka lamang namin ay kung bakit hindi gaanong kinagat sa takilya ang pelikula.

Out of the eight official entries ng MMFF, anim lamang ang aming napanood dahil hindi namin inabutan sa mga sinehan ang “One Great Love” nina Kim Chiu, Dennis Trillo at JC de Vera na dinirek ni Eric Quizon maging ang “Otlum” na siyang debut movie ng young cager na si Ricci Rivero na dinirek ni Joven Tan.

Panalo naman sa MMFF ang Viva Films ni Boss Vic del Rosario dahil co-venture ng Viva at ng Star Cinema ang “Fantastica” ni Vice Ganda habang ang “Aurora” ni Anne Curtis ay co-production naman ng Viva at ng Aliud Entertainment.