Pelikula nina Kathryn at Alden graded 'A'

July 23, 2019
Kathryn, Alden

NGAYON pa lamang ay may dahilan nang magdiwang ang mga taga-Star Cinema dahil Graded A ang ibinigay ng Cinema Evaluation Board (CEB) sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye,” ang unang tambalan ng Kapamilya box office  young star na si Kathryn Bernardo at Kapuso prime actor na si Alden Richards na dinirek ni Cathy Garcia-Molina.

Ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” ay  casting coup na maituturing  dahil napagsama sa isang pelikula ang dalawang top stars sa magkaribal na istasyon, ang ABS-CBN at GMA na walang mag-aakala na posible palang mangyari.

The movie was shot in Hong Kong where the cast stayed for almost a month and this is going to be shown in local cinemas nationwide on July 31 na susundan ng international screenings worldwide.

Dito ngayon malalaman kung kayang pantayan o di kaya lagpasan ang record-breaking movie ni Kathryn with her perennial screen parter and real life sweetheart na si Daniel Padilla, ang “The Hows of Us” na dinirek din ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema at ipinalabas nung isang taon. The movie grossed over P900-M at siya ngayong may hawak ng pinakamalaking box office record ng isang local movie.

Dagdag na rin sa pinanghahawakan ni Kathryn ay ang kanyang magkasunod na Best Actress awards mula sa Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club at The Eddys mula sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) for the movie “The Hows of Us” na ipinalabas last year.

In her 16 years in showbiz, malayo na talaga ang narating ng nobya ni Daniel Padilla dahil nag-evolve siya bilang isa sa mahuhusay na aktres sa kanyang henerasyon at naging successful young entrepreneur considering na 23 years pa lamang siya.