Pelikula nina Maine at Carlo magaganda ang review

October 22, 2019

MAGAGANDA ang nababasa naming movie reviews ng pelikulang “Isa Pa with Feelings” na pinagtambalan nina Maine Mendoza at Carlo Aquino na dinirek ni Prime Cruz under Black Sheep Productions and APT Entertainment.

Nabigyan ng Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang first movie team-up nina Maine at Carlo, isang indikasyon na maganda ang pagkakagawa ng pelikula.  Pinuri din ang magkahiwalay na magandang acting na ipinakita ng dalawang leads na sina Maine at Carlo.

Hindi man kasing ingay at kasing lakas ang kinita sa takilya ng “Isa Pa with Feelings” kumpara sa unang tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye” na dinirek ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema, hit na ring maituturing ang kita ng IPWF sa takilya matapos itong kumita ng P6.8M sa opening day.  Naipakita rin nina Maine at Carlo na meron silang kakaibang chemistry sa big screen at maging ang husay nila pareho sa larangan ng pag-arte.

In terms of budget,  location and promo, hindi rin  puwedeng ikumpara ang IPWF sa HLG na isang napakalaking pelikula na kinunan pa sa Hong Kong.

Humihiling ang mga fans ni Maine na sana raw ay makatrabaho rin ni Maine si Daniel Padilla under Star Cinema at si Direk Cathy Garcia-Molina rin ang director.  Pero mas maingay ngayon ang movie project na malamang pagsamahan nina Sarah Geronimo at Daniel kesa Daniel at Maine.